Wednesday, November 03, 2004

Pagkatapos ng Oktoberfest!

Medyo late na 'ata itong post ko pero 'eto pa rin:

Ngayon ko lang talaga naranasan ang Oktoberfest (sa San Pablo pa!, isa sa mga pinakama-gimik na siudad dito sa Laguna) at ano bang masasabi ko? IT ROCKS! Andaming tao! Andaming mabibili! Maya't-maya ang gimik! At syempre may inuman!

Wala talaga akong masabi, sunod sa Sci-fi Con at San Pablo Comicsfest isa na ito sa mga pinakamasa-sayang gimik sa buong tanang buhay ko. Sana nga maulit ito sa susunod na taon.

Nai-"launch" (pagbigyan n'yo na ako, minsan lang ako magpa-sosy) ko na rin pala ang matagal nang delayed na indie kong '97. Sa lahat ng bumili at tumangkilik, Saaaaaalamat! Hindi kayo magsisisi! Abangan n'yo na lang sa susunod ang issue number two! Mas mahaba! Mas kwela! Mas astig...Ah basta lahat na nang "mas"!

Nakabili nga pala ako ng huling tatlong isssue ng Batch '72 ni Budjette Tan , Arnold Arre & Co. Enjoy talaga! Nakakuha din ako ng Aliens :Earth Angel one-shot na gawa ni John Byrne! Kasama na rin ang ilang bagay katulad ng 20 pesos na extension cord at abre-lata(kailangan pa ba 'to?)

Salamat nga rin pala kanila Gerry at Ate Ilyn para sa lahat at sa Lahat ng mga KOmikerong nandun man o wala. Kitakits sa susunod na gimik!

Para sa ilang mga pictures noong festival pumunta lang sa Komikero.com.

2 comments:

Jac said...

tuwa si Mamy sa indie mo! Gusto na rin daw niyang gumawa ng indie nya hahahaha! ;D

Raipo said...

Nakakarelate ba? Masaya na ako na may nakakabasa ng indie ko! : )