Monday, January 17, 2005

Ang komedi ng buhay

Nyahahaha! Sobrang busy ng linggo ko ngayon. Quarterly exam ng mga bata, tapos pupunta pa ako ng Los Baños sa Huwebes para mai-submit ko na sa wakas yung application ko para sa Open U. Hindi ko akalain na magiging ganito ka-hectic

Kaya dinadaan ko na lang lahat sa tawa. Nyahahaha!

Waaaaaaah!!!

Di rin kaya minsan ng muthant powers ko na pagsabay-sabayin lahat ng gawain ko sa buong linggo. Salamat na lang may weekends.

Hindi ko lang talaga maiwasang maging pesimista ng mga nakraang araw dahil sa mga nangyayari sa paligid natin. Nitong umaga lang, may tumaob na 14-wheeler truck ng kopra sa parte ng hi-way dito sa Cabuyao. 'Di naman nagtrapik pero siguro kung napaaga ako ng byahe, malamang nakita ko yung bangkay. Tapos sinara naman yung kanto ng Santa Rosa dahil sa may nagbanggaan din (dito na ngayon nagka-trapik). At pagdating ko sa school, nadaan ko yung pawnshop malapit dito na basag yung salamin. May nangyari daw na barilan nung gabi, patay yung kahera...

Isang umaga lang, 3 masamang pangyayari. Pasingtabi sa mga taong nagbabasa ngayon sa harap ng mga PC nila.

Syet, buti na lang buhay pa ako...

3 comments:

Ilyn said...

Parang tabloid a...

Raipo said...

Dating tabloid ba?

blunderboy said...

tol! delete mo yung isang post mo!! para nde doble! hehehehe! huwag kalimutang magpakain sa haba birdie party mo! hehehehehehehehe!!!