Thursday, February 10, 2005

Ohmygosh?! Na-TV ako???

Naykupo! Napakita sa madlang Pilipinas ang pagmumukha ko sa Kumikitang Kabuhayan kaninang 4:45 ng umaga!!! Malas naman ng mga kumakain ng almusal kanina, siguro hindi natunawan yung mga iyon...

Bale inteview lang iyon kung bakit daw ako madalas bumili sa Practical Shop, isang used items store sa Los BaƱos (uy! libreng plugging!). Sa totoo lang, hindi na ako nakakapunta doon ng madalas kasi hindi na ako napasok sa UPLB. Pero nung napasok ako doon, halo araw-araw nandun ako.

Marami-rami na din akong nakuhang nakaka-sorpresang mga bagay/babasahin doon kagaya ng Bubblgum Crisis RPG sourcebook na nabili ko lang ng 20 Php ('wag n'yo nang tanungin kung magkano ito sa Comicquest!, basta nasaakin na siya!), Back issue comics(DC, Marvel,Darkhorse,Valiant etc.), How-to books, lumang FHM, Japanese porn na alang cover at marami pang iba! Gleng-gleng talaga ng shop na iyon!

Nagulat din ako nung pagpasok ko sa school /trabaho kasi marami palang mga estudyante ko ang nakapanood sa akin. Ganun pala ang sikat...kahit na 15 segundo lang yung pagpapakita ko...

Hehehe! sa susunod nasa commercial na ako : D...

2 comments:

Arashi-KIshu said...

hah! commercial?! ng ano? datu puti? (jodan!hehe)

May magpapaturo ba? A basta sabihin mo hindi ko sagot yung practical application!

Raipo said...

Ayos lang daw, advice lang hinihingi niya...