Tapos sinabi sa akin ng coordinator namin na ma-aassign ang mga maiiwang teachers sa Gradeschool kasi hindi sila kasama sa misa...
...isa na po doon ang inyong lingkod.
Sa isip ko "What the f***!!! Anong ituturo ko sa grade 2???"
Potsa, hindi ako napalagay nung gabi kaya nakaisip ako ng paraan:
TUTURUAN KO SILANG MAG-DROWING AT MAG-ORIGAMI!!!
Napaka-henyong ideya!!!
Kaya nung umaga, Biyernes, nagsimula na akong maghasik ng lagim--este magturo...
Sa totoo lang, na-enjoy kong magturo sa grade 2, kahit na pasaway sila mas madali silang kontrolin kaysa yung mga @!#$%^&* mga high school. Tuwang-tuwa sila nung nag-origami kami at syempre riot yung pag-drawing namin (ansakit ng kamay ko grabe, lahat na halos ng taga-Justice League na-idrawing ko sa kanila, pati na sila Sponge Bob, Spiderman etc.! Nakupow!)
Ayoko pa sanang umalis, pero dumating na si Ms. Gavar na teacher talaga nila. Sana nga natuloy na lang ako sa grade school.
Oh well, balik sa impyerno!
4 comments:
pero mahilig ka naman sa mga high school tsiks, di ba? so ok lang yun. hehehe!
hahaha! eh di mag-GS-teacher ka. Pero pano yan, di mo na magiging katulad si Onizuka-sensei?!
Temporary lang naman yun, isang araw lang..
Kung ako sayo habang nagtuturo ka magdala ka ng punyal. saksakin mo sa lalamunan ang mga kokontra bwahahaha! :)
Post a Comment