Thursday, February 16, 2006

Ba't di sila makapaniwalang teacher ako?

Unang hirit sa akin kapag nalalaman ng mga tao kung ano ang trabaho ko ngayon:

"Ano teacher ka? Wala sa itsura mo!"
...o kaya:

"Nagtuturo ka? Bata ka pa ah!"

...o di kaya

"Teacher ka? Bakit?"

Bakit nga ba?

Siguro bata pa nga ako at saka bago lang. Isa't kalahating taon pa lang naman akong nagtuturo sa high school kaya, kaya hindi ko masasabi na teacher na talaga ako. nakuha pa rin ako ng educ units sa ngayon, kaya kahit na alam ko 'yung subject, kailangan kong matutunan kung paano ituro ang subject na iyon.

Pero andami ngang nagtataka, lalo na 'yung mga taong kilala ako ng personal. Mga dati kong kaklase sa high school, college, mga kamag-anak kong matagal ko nang hindi nakikita, mga taong malalpit sa akin. Lahat sila nagatataka kung bakit ako naging teacher.

Sa totoo lang kilala nila ako na taong "happy-go-lucky". Kilala ako na naglalaro ng Magic:the gathering, Mageknight at kung ano-ano pang hobby games...kilala nila ako na mahilig magbasa ng komiks...kilala nila ako bilang "taong maraming hobbies".

Hindi ba pwedeng magturo ang taong ganun'?

Hindi naman sa galit ako sa kanila, ako lang yung nagtataka kung bakit sila nagtataka. For the record, si Mr. Richard Garfield, kilala bilang lumikha ng Collectible Card Game (CCG) na Magic :the Gathering ay isang math teacher. Marami akong kilalang taong tulad ko na nagtuturo din.

So bakit pa kaya sila nagtataka?

Hindi rin naman ako katalinuhan. May mga binagsak din akong subject nung high school at college. Tinatamad din ako, nagpupuyat, lahat ng bagay na ginawa ng "normal " na estudyante nagawa ko, maliban lang sa konting katarantaduhan. : )

Kaya, bakit nga ba gusto kong magturo?

Una, sa tingin ko dapat ang isang teacher alam nya kung papaano maibahagi ang nalalaman niya sa mga estudyante niya, kahit hindi nya mastered ang subject.

Pangalawa, sa pagtuturo, nagkakaroon ako ng oras para sa ibang mga bagay. Hindi kagaya ng ibang klaseng mga trabaho. At dahil dun, mas lumalaki nag kaalaman ko.

Pangatlo, masayang magturo kahit na nabwibwisit ako sa mga estudyante ko dahil kahit papaano, masasabi ko na naging bahagi ako ng buhay nila. Masaya ako 'pag natutulungan ko mga estudyante ko, kahit na gaano kalaki o kaliit ang problema nila.

At panghuli, alam kong nakakatulong ako kahit sa maliit na paraan sa Pilipinas...nararamdaman ko na may silbi akong tao.

'yun lang....

kaya sana 'wag na silang magtaka kung bakit ako naging teacher.

5 comments:

Gerry Alanguilan said...

E ikaw e. Ang sarap mo kasi biruin e.

Magpa sit-in ka kasi! Kaya lang naman kasi kami ganyan kasi hindi ka pa namin nakikita magturo. Lalo na pag ang dating mo sa amin for a long time ay di mo maimagine na teacher. Di pa namin nakita yung side na yun e. Yung "Mr. Toledo, may I go out?" side. O diba? Kaya magpa sit-in ka na para tumigil na kami!

:)

Raipo said...

Basta, hintayin nyo na lang ako sa san pablo!

Gerry Alanguilan said...

Pero alam namin ka kayang kaya mo yan. Ika nga nila.. teaching is one of the best and one of the most difficult professions. Mabuhay ka, pare! Can't wait na magsit in ako pag nasa Canossa ka na. :)

Lord Nightshade said...

hey bro, bakit ka nga ba naging teacher? wehehehe....

jactinglim said...

dude sit-in din ako ;D suot ako schoolgirl outfit :D ay, hindi ako papapasukin sa Canossa LOL!