Kalimutan nyo na ang X-men 3. Eto ang basahin nyo:
Mula sa taong nagbigay sa atin ng WASTED, CREST HUT BUTT SHOP at HUMANIS REX, eto na naman po si Ginoong Gerry Alanguilan sa kanyang pinakabagong komiks:
Elmer!
Sa lahat siguro ng mga nagdaang komiks na ginawa ni Manong Gerry eto na ata ang pinaka-kakaiba. Bakit nga ba? Sa cover pa lang hindi pa ba kayo nagtataka? Bakit may manok samantalang "ELMER" ang title?
Una sa lahat, ang mundo ni Elmer ay isang mundo kung saan biglang nagkamalay-tao (o "malay-manok") ang mga manok. Sa pangyayaring iyon, nagsusumikap tuloy ang mga manok sa pagbuo ng kanilang pagkatao (ay 'yan na naman! "pagkamanok" dapat!) sa isang mundong hindi sila lubusan pang tinatanggap.
'Wag kayong padadala kung hayop man ang bida ng "ELMER". 'Wag kayong magexpect ng mga kakyutan o kung anuman katulad sa mga Bugs Bunny cartoons o alinmang komiks o cartoons na may hayop sa loob. Hindi rin siya makukumpara sa Maus o Usagi Yojimbo. Ganito ang gawin nyo: basahin nyo at pagisipan ang mensahe ng ELMER: "Paano nga ba kung biglang tumalino ang mga hayop na kinakain natin?". Bagama't maraming nakakatawang tagpo sa "ELMER", madaming isyu ang tinatalakay nito kagaya ng diskriminasyon, pag-ibig at kung ano-anu pa.
Kung ako sa inyo, pumunta na kayo sa palengke este pinakamalapit na tindahan ng komiks at bumili ng isang kilo este kopya ng ELMER. Tiyak ko maguiguilty na kayo sa pagkain ng manok...

5 comments:
d ako nagkkomiks.. kung marunong lng ako ntapos ko na siguro book ko... kilala ko lng si henry anima.. cya ang graphic artist ng book ko.. medjo mahaba ksi yung book ng ginagawa ko.. nsa 34 chapter cya...si henry lang ksi mag ddraw lahat.. but im planning to write anoder book, balak ko kumuha ng 5 diff artist mag draw.. ac2ali book ng ginagawa kong book.. btw, nabasa ko na yang elmer.. katuwa? namatay kya si elmer dba cya yung ttay nung bidang manok.. kataw din yung pag aaply nya ng work! nag wala cya! hahaha
ah ganun pala brad pero mabuti nagsususlat ka. bangan namin ang libro nyo ni Henry!
That's a great story. Waiting for more. Allegra savognin When will propecia go over the counter bf goodrich tires
Enjoyed a lot! » » »
Excellent, love it! » »
Post a Comment