Thursday, June 15, 2006

PARRT Retro Cartoon Special!: Star Fleet!

Natatandaan nyo pa ba ang isang ito?

Eh naaalala nyo pa ba ang original na "Thunderbirds"?

Sige panuorin nyo muna:




Ayan ok na? Tanda nyo na ba ang Star Fleet?

Kasabayan ng palabas na ito ang Macross. Napaiyak ng ako nung napanuod ko ito. Yung taong kumakanta ng intro song ay walang iba kung hindi si Brian May, myembro ng Queen (Ay fafa Freddie Mercury!) kasama and maalamat na si Eddie Van Halen(!) na tumugtog ng guitar rifts sa background(!).

X Bomber ang orihinal na pamagat ng Star Fleet, at kagagawan ito ng walang iba kung hindi ang tatay ng mga Super Robots na si Go Nagai (Mazinger Z, Getter Robo, Grandizer etc.)! Nagcult status ito sa bansang UK at US at itinuturing na isa sa mga pinaka-astig na T.V. show na gumagamit ng Supermarionation (isang animation technique na gumagamit ng mga marionette tukad ng sa Thunderbirds at Team America)

Tanda ko nung bata ako mga grade 5 o 6 ako nun, kakaripas talaga ako sa bahay para lang mapanuod ang Star Fleet. Hanggang ngayon hinahanap-hanap ko pa rin ang palabas na ito kasama ng iba pang 80's cartoons tulad ng M.A.S.K., Jayce and the Wheeled Warriors at Spiral Zone.

Astig talaga ito! Abangan sa susunod, mag-fefeature pa uli ako ng iba pang 80's na cartoons!

2 comments:

jonasdiego said...

Sayang! Walang supermarionette sex sa isang ito. Ha ha ha! :D

Raipo said...

oo nga eh masyadong wholesome : )