Ewan ko pero feeling ko naging title ko na ng isa ko pang post ang "GTR no more"... feelingt ko lang.
Pero anyway, dati ko pang napag-isipan ito, pero nitong huli tinatawag talaga ako ng (bokasyon ng) pagtuturo. Kaya eto, guro ako ngayon sa isang Catholic private school dito sa San Pablo, Laguna. Ok naman ang lahat pero....
...pero masyadong organisado ang sistema duon, pakiramdam ko ako ang masamang damo duon...
...hindi ako makahabol minsan sa mag deadlines dahil sa byahe...
...masyadong demanding ang nga superiors...
Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit nag-iisip ako na iwanan na ang pagtuturo at maghanap ng ibang linya ng trabaho. Pakiramdam ko, hindi ako angkop maging guro (sa ngayon). Nawawalan na rin ako ng panahon para sa sarili ko. Hindi kagaya ng dati.
Pasensya, pero palagay ko kailangan ko nang umalis sa bokasyon...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Naku, wag naman sana. I ahppen to feel that you are a great teacher, Raipo. Pero ika nga, kung saan ka masaya suportahan ta ka.
You might find yourself with more time on your hands if you find a boarding house to live in sa San Pablo proper. Suggestion lang po. :)
tira ka na lang sa San Pablo! :D tapos dalaw kami nina Gerry hehehe!
Hehehe... relax ka kase sumtyms... sobra seryoso mo na ata
take time to treat urself...unwind!
Post a Comment