Friday, September 24, 2004

The Anti-Mush Speaketh Part2:Tips para sa mga taong Nasawi, Kasasawi pa lang at Masasawi pa lang

1.Makinig ng Heavy metal, tipong music ng Mudvayne, Cannibal Corpse, Dying Fetus atbp. Mas maingay, mas maganda. Maghead-bang hanggang malimutan ang nararamdaman...

2.Pagkatapos maligo at magsepilyo, humarap sa salamin, ituro ang sarili at sabihing: "Syet! Ang GWAPO ko!!!" (para sa girls: "Taob silang lahat sa BYUTI ko!". Huwag lang papa-abot sa mga kasama sa bahay, baka pagkamalan kang baliw...

3.Bumili ng tarantula, Indian Python, Rock scorpion, Horned toad o kahit anong pangit na hayop at gawing pet. Ipangalan mo ito sa ex mo...

4.Mag-enrol sa isang full contact martial arts class. Hinay-hinay lang at 'wag gaanong seryosohin, baka makapatay ka...

5. Manuod ng mga nakakatakot na pelikula kagaya ng "Sleepless in Seattle", "While you were sleeping", "Sweet November" o kaya " Now and Forever". Nang mag-isa. Siguradong matatauhan ka...

6. Maglaro ng video games kagay ng "Doom", "Quake" o kaya "Counterstrike". Magpakabihasa sa paggamit ng kutsilyo ( o ng kung ano mang close-combat weapon) sa mga larong ito.

7. Uminom...ng tsaa. Mas maigi kaysa beer...ewan ko kung bakit...

8. Itakwil at huwag mag-celebrate ng "Valentines day". Magsuot ng blue sa araw na ito at mang-okray ng mga labers...

9. Magbabad sa porno...alam mo na ang kasunod.

10. Huwag sabihin ng mga salitang may kinalaman sa "Love"

11. Magbaon palagi ng walkman kahit saan...para di marinig ang lambingan ng mga katabi mo. O kaya makapal na libro. tatalino ka pa....

12.Itreat ang sarili sa isang fast food chain. Mahal sa restaurant...

13.I-sound proof ang kuwarto at mag-sisigaw ng "PHAAAACK" at "SYEEEET!" ng buong lakas. Magtatalon sa kama. Kapag naumpog ka sa dingding ng kwarto mo, malas mo na lang...kulit mo kasi eh....

14.Matulog buong araw...subukan 'wag gumising.

15.Mag-aral bumaril o mag archery at gawing target ang picture ng ex mo...

16....at higit sa lahat, magbuhos ng tubig at magmuni-muni.

Pahabol lang para sa linggong ito!

7 comments:

Anonymous said...

ze antimush king strikes again....
tsaka wag kalimutan, magpahinga after mag-porn ha - actually kasunod immediately ng number 9 mo yung number 14...

-lord nightshade

Anonymous said...

i think it's a great idea! but instead of blue, i wear black for valentine's day. or any day, for that matter.

Lyra

Gerry Alanguilan said...

Di Na Ko Aasa Pa
(Introvoys)

Intro: E-B/E-E-E-A--B-
E-B/E-E-A-A(9) pause

E B/E
Ilang gabi na akong lito
F#m Bb
Di ko maisip kung bakit nagkalayo
E B/E
Mahal kita ngunit mahal mo siya
F#m A B
Ang hinihiling ko lamang, mahalin ka niya.

Chorus
E B/E, E B/E E
Di na 'ko aasa pang muli
F#m
Kung ikaw ay babalik
(A) B
Saka na lamang ngingiti
E B/E, E B/E E
Tandaan mong mahal kang talaga
F#m A B (Intro)
Tanging ikaw lamang (ang) nasa aking alaala.

E B/E
Naglalakad, hawak-kamay
F#m B
Tila ba'ng ligaya niyo'y walang katapusan
E B/E
Ang nakaraan nating dalawa
F#m A B
Di ko na makita sa yong mga mata.

Repeat Chorus except last word

A B/E-E, B/E,
...alaala.

Bridge
A B
Sa iyo sana'y maghihintay
F#m A B A, B,
Ikaw ang gusto ko sa habang buhay, ngunit...

Repeat Chorus except last word

(E)
...alaala.

Repeat Chorus except last word

(A)
...alaala.

Coda: (Chord pattern A-B/E-)
Di na 'ko aasa pang muli
Kung ikaw ay babalik sa 'king piling
Saka na lamang ngingiti
Tandaan mo, mahal kang talaga sa akin, giliw
Tanging ikaw lamang, nasa aking alaala
Di na 'ko, di na 'ko
Di na 'ko aasa pang muli
Kung ikaw ay babalik sa aking piling
Di na 'ko, di na 'ko
A pause E-B/E, E, F#m-A
Di na 'ko aasa pa...
E
sa 'yo.

Raipo said...

Ayan! Nakantahan tuloy ako ni Gerry...

Sabagay ok ang black sa Feb kasi malamig pero masyado nang marami. Parang compliment kasi ang red and balck so blue para antithesis...

jrld said...

ako naman, mangingibang planeta na lang.

Anonymous said...

You forgot the most important one...

"Sinong Nawalan?" ^_^

~Geoff

.:k:. said...

magaling! :lol: