Tuesday, September 21, 2004

The Anti-Mush Speaketh:Love/Hate/Tragedy Part I

Prologo:

Nais kong maglabas ng aking saloobin tungkol sa damdaming kung tawagin ng mga taga-lupa ay "Love (Pagibig)"

Matagal na panahon na ang lumipas at mukhang nakalimutan ko na ata ang ibig sabihin ng salitang yaon. Lumipas ang isang pangyayari na muntik ko nang maalala, pero sa kasamaang palad:


NASAWI AKO...
Ayoko na sanang pag-usapan ang nakaraan, ngunit kumakatok na naman ito sa aking pinto, nagmumulto.Hindi pa rin ako tina-tantanan. At ngayon, pakiramdam ko, naipapasa ko ang sumpa ko sa mga taong malapit sa akin.
Dahilan na rin sa napapag-usapan rin lang, isiwalat na natin...panahon na naman para maging "Anti-mush"...
Ano bang meron ngayon???
Akala ko pang-showbiz lang ang hiwalayan at bastedan ngayon. Hindi pala...may mali ba sa pagkaka-linya ng mga planeta ngayon? Masama ba ang ma in-lab ngayon ayon sa horoskopyong Intsik? O sadyang kay hirap at kaysaklap nang mabuhay dito sa bansa natin?
Ewan...sa nakikita ko mahal ang bulaklak ngayon.Sa tingin ko marami na tayong teledrama at teleserye sa telebisyon. Wari ko, tumutulad ang ilan sa atin sa mga artistang mabilis magpapalit-palit ng syota.Mahal na rin ang pamasahe ngayon. At sa palagay ko, nasosobrahan na tayo sa mga love song...
So anong sulosyon?/gagawin natin???
'Wag na lang tayong ma in-lab. Tigilan na natin ang lokohan. Magbuhos na lang tayo ng tubig sa ating mga ulo at magmuni-muni...
*Bow*

13 comments:

Jonas Diego said...

Hey, Raipo. These things happen, dude. Basta ang importante we're all here for each other so things're not as bad as they appear. :)

Ano, inuman na? Another excuse to drink beer. He he he! ;)

But seriously, man. Andito lang kami if ever you need to talk or just plain hang out.

Raipo said...

No beer muna...alam mo naman na kahit nabigla ako sa nangyari eh medyo ok na ako, nakikisama lang ako sa espiritu ng mga blog at kalagayan natin sa buhay ngayon. Pansin mo rin ba?

Hayaan mo marami pang parts ito!

Gerry Alanguilan said...

Alam mo Raipo marami akang studyanteng babae.... he.he.

Raipo said...

Pwede mo rin sigurong ipakilala mo sa akin...

Ilyn said...

Simula elementary hanggang nakilala ko si Gerry, kahit nagka-boyfriend ako noon, sabi ko hindi ako mag-aasawa kahit kelan. Sabi ko sa nanay ko, kelangan bigyan muna ako kung sino man siya ng 2 milyong piso bago ko siya pakasalan. Nagkita kami ni Gerry sa mata... Walang siyang 2 milyong piso... nagpakasal pa rin ako. hehe.

Huwag kang mawawalan ng pag-asa, pag dumating ang talagang para sa iyo, walang makakahadlang diyan. Oki? Totoo yan.

Raipo said...

Ok maniniwala ako kahit papaano Ate...siguro not now...mahirap din minsang magkimkim at magtago ng saloobin. Baka sumabog at...bumaho ang paligid...

Ilyn said...

hehe. that's okay... whatever you choose to do about it. in the end, it's still your decision. :)

Raipo said...

Si "Anti-mush" na uli ako ngayon

Like I said in my first blog:"Love ano 'yun? Nakakain ba 'yun?" (Rene, tama na hirit!)

rene said...

raipo, kulang ka ba sa holding hands? hayaan mo, pagnagkita tayo, hawakan ko kamay mo. bwahahahaha! relax lang 'dre. in time, things will fall into the right places.

Raipo said...

Argh! It never stops with Rene!

Jac said...

Tapos unang araw pa lang ni Neil sa Komikero, ilang beses ka nang hinaplusan! Dyoskoh! Anlakas ng appeal mo p're!

Raipo said...

My ghulay? Am I a "dude magnet"?

Anonymous said...

Watiti.com
Join me and my circle of friends at http://www.watiti.com, an online social networking community that connects people from all over the world.

Meet new people, share photos, create or attend events, post free classifieds, send free e-cards, listen music, read blogs, upload videos, be part of a club, chat rooms, forum and much more!

See you around! Bring all your friends too!

Watiti.com