Sunday, September 19, 2004

Bisikleta!

Sa wakas! Nakuha ko na rin ang bisikletang binenta sa akin ng ka-Komikero kong si Jonas! Binenta niya sa akin sa halagang 500 Php! Bargain! Maganda pa ang kondisyon, nagana pa ang kambyo, ayos pa ang kadena, maayos ang mga preno. Sa madaling salita: wala akong reklamo!

Magsesenti lang ako sandali. Nasira ang una kong bisikleta (na pinangalalang kong Valkyrie, (na na-upgrade bilang Valkyrie MK.II) noong 2000, naotso ko ang gulong sa harapan dahil iniwasan ko ang kaskaserong traysikel drayber na kasalubong ko. Tanggap ko ang mga sugat ko, pero napinsal ng husto si Val. Bukod sa nasirang gulong ay bumigay ang tinidor ni Val. Kaya tinago ko muna siya sa isang sulok ng aming garahe at nangakong kukumpunihin siya.

Lumipas ang 4 na taon, dahil sa kasalatan sa pera ay hindi ko naasikaso si Valkyrie. Nangalawang siya. Hindi naman ako naka-pagipon para bumili ng kapalit.Ang saklap...

Sa mga bukid at aplaya ko madalas iharabas si Val Mk.II noon. Ipaparada ko siya malapit sa apalaya habang nagmu-munimuni ako sa lawa (Laguna de Bay). Iba talaga ang pakiramdam ng humahampas sa iyo ang hangin habang nagpapatakbo ng bisikleta. Si Val MkII rin ang nagsilbing pampayat ko noon.Kaya noong nawala siya, unti-unti akong lumobo(...).

Kaya ngayon, ayos na uli. May bago na naman akong bisikletang aalagaan. Wala pa nga akong pangalan sa kanya.

4 comments:

Jonas Diego said...

Aalagaan mo ang bisikleta ko ha? Mahal na mahal ko yan...hu hu hu! :)

Seriously though, I'm just glad it's going to a good home (seeing as I can't take all of my stuff when I move out). That bike and I had been through a lot together. Hopefully it will also serve you well.

Careeeeer...! :D

rene said...

raipo, something unique naman... like Valkyrie MK.III ... shet! ganda nun! :-) congrats pare!

Raipo said...

Nyak! Valkyrie MK. III? Iniisip ko nga baka Paladin o kaya Sturmvogel. Sige siguro magpapacontest ako kung anong pangalan ang maganda... : )

Anonymous said...

World Of Warcraft gold for cheap
wow power leveling,
wow gold,
wow gold,
wow power leveling,
wow power leveling,
world of warcraft power leveling,
world of warcraft power leveling
wow power leveling,
cheap wow gold,
cheap wow gold,
buy wow gold,
wow gold,
Cheap WoW Gold,
wow gold,
Cheap WoW Gold,
world of warcraft gold,
wow gold,
world of warcraft gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold
buy cheap World Of Warcraft gold e3x6q7ek