Monday, September 13, 2004

Katas ng sore eyes

Nahawa ako ng sore eyes nung nakaraang linggo kaya nakaliban ako ng 2 araw sa trabaho (4 kung kasama ang weekends). Ewan ko lang kung saan ako nahawa kung dito sa eskwelahan o sa bahay dahil bukod nga sa kalat ito sa Biñan eh meron din ang kapatid ko (Bwiset!!!)

Eto balik na naman sa trabaho at hindi mapakali kung anong gagawin ko dahil malapit na ang monthly tests ng mga bata...

Sa kabila ng mga hindi inaasahan at karimarimarim na mga pangyayari ay masaya pa rin ako at napuntahan ko na rin ang Filbar's Alabang Town Center. Maliit lang ang lugar pero dinadayo raw ng mga sikat na tao tulad nila Andrew E. ( na malapit lang kung sa Don Galo Parañaque pa siya nakatira) at Eula Valdez (mahilig din pala siya sa Xmen!). Pero wala silang DC Superheroes at Mwahaha! (bakit kaya?) kaya sa National bookkstore na lang ako bumili....

...Eniwey para sa kaibigan kong si Henry, sa wakas eto na at nakalink na ako sa blog mo.

Tuloy pa rin ang pakikipagsapalaran!

No comments: