Monday, September 06, 2004

Tsamba, Pagkakataon at si Velikovsky

'Nung nakaraang linggo ay nagulat na lang ako sa mga pangyayaring pawang nagkataon lang. Tsamba sa tinigin ko:
Pangyayari #1: Text sa akin ng isang kaibigan: "nandito ako kanila W_n_, kapapanganak lang niya"

OK, matagal nang isyu ito. Hindi ko maikakaila na minsan naging parte ng buhay ko si W_n_ pero matagal na panahon na iyon at wala na talaga akong pakialam simula noong nag-asawa siya. Pinalagay ko na lang sa sarili ko masaya siya, masaya ako...

Pangyayari #2: message sa akin sa friendster ng aking blockmate:" hello! kmusta na? wla pa asawa si v__e.... ewan ko lng kung me bf wla ako balita eh!sulat ka naman o email ka sa kin k? mgkwento ka nman!gudlak sa work mo!ingatz lagi"

Wala namang masama sa menasheng ito, pero parang minumulto na naman ako ng aking "malagim" na nakaraan. Blockmate, don't worry, wala kang ginawang masama, peace tayo! Pinapakita ko lang sa madla na maraming kakaibang pangyayari nung mga nakaraang araw...

Pangyayari #3: Hindi ko alam na ninakawan ng cellphone ang kaibigan ko kaya nuong ti-next ko siya, nabigla ako at bigla niya ako ng minura ng kabilang linya. Alam kong hindi siya at iyon at hindi nagtagal ay nilinaw niya ang isyu...

Mamatay na nga sana ang nagnakaw ng cel mo...

Hindi naman lahat ng mga pangyayari ay "malagim" o masama:

Pangyayari #4:Umakyat ako sa pinabayaang aklatan sa taas ng aming paaralan at nakakita ako ng kopya ng "Worlds in Collision" ni Velikovsky, isang kontrobersyal na akda noong 1950's-60's. Tinalakay niya ang ilang anomalya sa ating kalawakan at ang mga posibilidad ng banggaan ng mga planeta at iba pang bagay-pangkalawakan...mahirap nang makahanap ng kopya ng naturang aklat, at naaliw akong basahin ito.

Nakakabaliw talaga, mas mabuti pang malaman na magugunaw ang mundo kaysa sa malaman mong may nangyari sa mga taong ayaw mo nang malaman ang mga kinalagyan...

2 comments:

.:k:. said...

the book sounds interesting, rai...pahiram!! hehe.

and i gotta agree with you on the last paragraph. :)

Raipo said...

Yung libro, school property pero na sa akin ngayon tinatapos ko...

Sabi ko sa inyo, hintayin na lang nating magunaw ang mundo!