Friday, September 03, 2004

Grrr! San Pablo (hindi ang lugar)

Mag-iisang-buwan na akong teacher at hindi pa rin talaga ako sanay mag-polo, kahit semi-formal. Nangangati ako...

2 first year sections ang tinuturuan ko, bukod pa dito may 2 second year at 1 3rd year section ang inasikaso ko rin. Akala ko ay ayos na at madali kong nakaayon ang mga bata...

Pero hindeeeeeh!


Nakapangalan sa mga sikat na lungsod ang mga section dito sa pinag-tuturuan ko. Isa na dito ang I-San Pablo (kapangalan ng lungsod na pinagtatagpuan naming mga Komikero) . Akala ko, maayos ang mga bata dito. Pero 'di naglaon nalaman ko na puro sila pasaway. Walang nagdaang araw na hindi ko sila pinag-sasabihan at sinesermonan. Sobra na talaga hindi na normal ang ingay nila. maging ang punong-guro at pangalawang punong-guro ay hindi na rin malaman ang gagawin sa kanila. Sila daw ang pinaka-"notorious" na freshman section dito.

Kung tutuusin, parang "The Bronx" sa New York ang CSA. Halo-halo ang mga bata, halo-halo ng mga paniniwala at ugali, kaya walang dapat sisihin. Ayoko lang na maimpluwensyahan ang iba na may talino pero kung minsan eh kulang sa sipag...

Kamay na bakal? hmmm...tingnan natin...

'ika nga ng isang paborito kong karakter sa libro na si Justicar: "This school needs Justice!"

Abangan!

3 comments:

.:k:. said...

rai!! nakz naman, guro ka na pala!! marangal na trabaho yan. bumibisita ka ba sa lb? sana magkita tayo nina drea, miss ko na kayo!! uy, bumalik na nga pala si oyotz galing australia, just in case di mo pa alam. ayun. ingat ka palagi, bro!!

.:k:. said...

btw, i posted a comment on your livejournal and i added you on my list of friends narin. add mo ako ha? hehehe :D

Jac said...

Rai! I added you to my blog links na! Wheeee!