Tuesday, October 19, 2004

Ako at si GTO (Great Teacher Onizuka)


Galit ako sa mga teacher dati lalo na nung nasa high school ako. Pakiramdam ko noon, pinapahirapan lang nila ako/ kami sa mga exam at assignment nila.Asar na asar ako sa mga tipong mga masusungit na matatandang dalaga, mga wierdong kwemto lang ng kwento at mga teacher na kausap palagi ang blackboard...
Hanggang sa maging high school teacher din ako.

Mga pangaral ni Bro. Onizuka

Nararanasan ko ngayon ang lahat ng mga sitwasyong kasama sa trabahong ito. Ang ingay, ang kunsomisyon, pag-gising uli ng maaga. Pero sa isang banda, masaya rin palang magturo ng mga pasaway na estudyante, lalo na kapag nakikita mong may natututunan pala sila sa iyo...

Pakiramdam ko, parang pareho kami ni GTO (Great Teacher Onizuka) ng pinagdaanan. Para sa kaalaman ng lahat, tungkol ang GTO anime kay Eikichi Onizuka, isang dating motocycle gangster na nagpasiyang gusto pala niyang magturo sa high school. Kakaiba ang pamamaraan ni Onizuka dahil ginagamit niya ang ang kanyang "streetsmarts" para malutas ang mga problema ng mga pasaway niyang mga estudyante.


Kung pwede lang akong pumorma ng ganito sa school...


Marami kaming pagkakatulad ngayon (ni GTO):

1. Puro pasaway ang mga estudyante namin.

2. "Kakaiba" ang pamamaraan namin sa pagtuturo

3. Pareho kaming may "Special Attack"

4. Pareho kaming hampas-lupa at naghihikahos.

5. Nagloloko ang mga "Lolitameter" namin

6. Mahilig kami sa sushi

7. Pareho kaming may bike (may motor nga lang sa kany)

8. Kapalmuks kami

9. Marami kaming kaibigang pareho ang mga kalagayan sa buhay

10. Mahilig kumain

GTO: matinik sa chiks (galing sa live-action GTO series. Note: hindi siya blonde)

Ansaya-saya palang maging teacher!




5 comments:

Jonas Diego said...

Wow, Raipo! Matinik ka na rin ngayon sa chicks? ;)

blunderboy said...

sabi ko sayo e! resistance is futile!! lolicon ka rin!!!! mwahahahahahahahaha!!!!

Raipo said...

Sayang nga kung matinik ako sana may gf ako ngayon.

blunderboy, nagrereklamo lang "lolitameter" ko, hindi pa bumibigay...

blunderboy said...

ganun na rin yon!!! bibigay ka rin!!! mwahahahaha!!!

Anonymous said...

I really like your gto related blog site. I have a gto related web site at gto. If you're into gto. You will want to check it out.