Sunday, October 17, 2004

Ten shun! Unang Warhammer 40,000 Battle Report!

Simulan natin ang linggong ito sa isang battle report....
Haha! Sa wakas! Pagkatapos ng 2 taon, nakapaglaro na kami ng una naming Warhammer 40k game! Ano nga bang masasabi ko? Ang tindi ng adrenaline rush! Kakaiba talaga kapag totong figures na ang hawak ninyo!

Ok so nagsimulakami ng mga 9:30 ng gabi sa bahay nila Roe, gamit ang "40k in 40 minutes" format na bawat player ay meron lang na 400 point army (aka "patrol", parang sa mga boy scout) at 4" x 3" playing field. Gamit ni Roe ang kanyang Space Marine: Blood Angels at Tyranids naman ang sa 'kin (Sabi ko sa inyo, SASALAKAY na sila!). Mabilis ang labanan sa format na ito at sabi nila, malupit daw ang mga Tourney ('di ko na papagurin ang sarili ko kaya 'di ko na isususlat ang salitang "tournament").

Ok laban na! Una ang mga 'nids, binirahan kaagad ng mga Escherichiagants ko ang Death Company (jumptroops) ni Roe, na nagkaroon ng 1 casualty at tinira naman ng Venom cannon at Deathspitter ng aking 'nid warriors ang tactical squad niya (bagong rule: 'di mo pwedeng i-assault ang unit na hindi mo pa tinitira ng ranged attacks). Unang assault phase, marami na agad na cassualty sa parehong panig. Nagkaroon ng problema ang aking mga Clostridiogaunt dahilan sa napwersa silang umatras dahil wala sila sa range ng isang Synapse creature, dahilan para ma-massacre ang parehong squad samantalang kinakarne naman ng mga 'nid warriors at riiper swarms ang tactical squad niya (patas lang!). Sabihin na lang natin na nakakadiri ang mga sumunod na pangyayari (wetworks), natira na lang ang 3 Death companymen at ang kanilang chaplain (si "Charlie") at ang buong warrior brood ko. Umatras sila sa cover terrai (difficult terrain) at sa kasamaang palad, nadapa ang 2 jumptrooper ni Roe. Maklipas ang isang makapag-damdaming assault, nanalo and mga ''nids ko. Whew!

Trash talk nangyari hababng naglalaro:
Kumander Raipo: "Pray to your God-Emperor!!!"
Brader Roe: "I shall pray to Sanguinius!"

Maraming pang mga rules na nagbago kay medyo nangapa pa kami at ang 40 minuto namin ay naging mga 1 oras dahilan doon baka sa susunod, may kalinawan na ang mga tanong namin

400 points pa lang 'yon. Paano pa kaya kung 750 o 1000 na?

Abangan!

No comments: