Wednesday, October 06, 2004

Work! Work! (ala-Orc peon sa Warcraft!)

Sa mga nagtatanong kung bakit nawaka ako sa sirkulasyon nuong mga nakaraang araw sa Internet, eto lang ang masasabi ko: Naputulan kami ng koneksyon at ngayon lang uli kami nagkaroon...

1.OK, balik sa dati, naging abala ako simula noong nakaraang Sabado, Oktubre2 ,2004. Una sa lahat, nagpunta kami ng kaibigan kong si Roe sa Neutral Grounds Galleria para bumili ng mga figures ng Warhammer 40,000. Nakuha ko na rin sa wakas ang aking Tyrannid Battleforce (kasya sa 750 points build) at namili rin si Roe ng mga Space Marine niya. Sayang nga lang at mayroon nang bata na naka-reserve sa Necron Battleforce na plano naman ni Homer...(dyaskeng bata iyon...). Ipopost ko ang mga nagawa ko na siguro sa mga susunod na linggo!

2.Linggo Oktubre 3, 2004: May tatalo akong bagay na halos magkakasabay kong ginawa sa araw na iyon:
Una, tinulungan ko si Jonas na maglipat ng mga gamit niya mula Los BaƱos, Laguna papuntang Tanauan, Batangas. Inabot kami ng tanghali pero ayos lang. Sunod ay pumunta ako kanila Roe at nag-assmble/pintura ng isang squad ng genestaelers (12 models)para sa aking Tyrannid Battleforce. At higit sa lahat, kinuha ko sa isang kaibigan ko ang mga indie komiks ko na hiniram niya sa akin na matagal nang nasa kanya...Lahat ng ito sa isang araw lang (suma total Paglilipat ni Jonas: 4 na oras, Pagbuo ng genestealer squad: 6 na oras, pagsosoli ng komiks:1 oras). Nakauwi na ako ng mga alas-10 ng gabi...

3.Lunes, Oktubre 4, 2004. Trabaho. As usual. Ayoko nang pagusapan ito muna...sabihin na lang natin na gagawa ako ng 3 quarterly exams at magcocompute ng grades buong linggo...

Palagay ko naman ay makakaluwang ako sa susunod na linggo dahil Intrams ng mga bata at hindi kami obligadong pumasok, kaya plano kong tapusin ang indie ko na " '97 " para ihabol sa Oktoberfest, sumulat ng outline sa gagawin kong science compendium, magpintura ng isang squad ng termagants (16 na models),mag-check ng mga lab reports, i-check ang review para sa board exam, isulat ang susunod na script ng "Foreverman" at marami pang iba!

Ang DAMING gagawin, sana kayanin ng powers ko!!!

1 comment:

Jonas Diego said...

Maraming salamat, pare! :)