Thursday, November 11, 2004

The Anti-Mush Speaketh Part 4: Emo Kid

Haaaaay! Tagal kong 'di nakapag-update!

Aaminin ko hindi ako masyadong mahilig sa anumang genre ng music, kung ano lang ang ma-tripan kong pakinggan 'yun na'yun. Masasabi kong mas-"visual" ako na tao kaya nakahiligan ko ang TV, sine, komiks, video games etc. Pero, sa mga nagdaang panahon, may natripan akong genre:

"EMO"
...o "emotional". Napaka-broad kung tutuusin ng kategoryang ito, kasama dito ang emo-rock, slow-emo etc. Sa totoo lang, ngayon-ngayon ko lang na-engkwentro ang term na "emo". Mahirap talagang ituring kung ano talaga ang "emo" pero sa akin lang, ito 'yung tipo ng music na "makapagbagbag-damdamin" (Syet! Lalim!). May ibang nag-sasabing malungkot daw, pero may ibang emo songs na nagpapahiwatig din ng matinding galit, saya o iba pang damdamin.
Isa sa mga paborito ko ang bandang New Radicals na maaalala sa mga kanta nilang "Someday We'll Know" (na ginawan ng version ng isang babaing popstar, Yak!), "Cryin' Like a Church on Monday" (ang saklap!) at "You've got the Music in You". Nagdisband lang sila matapos ang 1 taon na sumikat sila. Sayang.
Eto ang sample ng chorus ng kanta nilang "Cryin' like a Churh on Monday" sa album nilang "Maybe You've been Brainwashed Too"
Now I'm cryin' like a church on Monday
Prayin' for these feelings to go away
So do me a favor baby
Put down your new god
and love me like a Sunday again
*(Naging hit ang kantang ito noong 1997 sa DZLB, ang lokal na stasyoin ng radyo ng UPLB.Para sa mga kasingtanda ko, siguradong maaalala nila ito)
Isa pa ang Vertical Horizon (2000), isa sa mga bandang sulitang album sa tingin ko (Everything you want) na naglalaman ng mga kantang "Everything you want", "You're a God" at "Best I've Ever Had (Grey Sky Morning)"
Sampol ng chorus nila sa kantang "Best I've Ever Had (Grey Sky Morning)":
Nothing's quite the same now
I just said your name now
It's not so bad
You're only the best I've ever had
You don't need me back
You're just the best I've ever had
Marami pa akong gustong banggitin kagaya ng mga kantang galing sa Dashbord Cofessional at sa mga lokal na banda kagaya ng Sugarfree pero kailangan kong magturo!
'Ika nga ni Manix Abrera sa Comic strip niya sa gag magasin na Mwahaha!: "Ang Kirot ng Kapalaran!"
*Sensya na sa mga nagte-text sa akin, medyo nagloloko ang telepono ko ngayon kaya konting tiis kung 'di ako makapag reply agad...

2 comments:

blunderboy said...

naglitanya ka ata bigla! anong nakain mo EMO-kid? tol, punta ka lang dito sa elbi para mawala yan! mukhang may malaking problema ka ata....

Jac said...

Pagawa tayo ng "Anti-love" t-shirts tapos suot natin sa Komikero booth! Nyahahaha!