Wednesday, November 24, 2004

Paano daw ako magsulat?

Maraming taong ang nagtatanong sa akin kung papaano daw ako nakakapag-sulat ng mga script sa komiks at ng mga kung ano-ano pa (kagaya ng mga quarterly test, entry sa blog, article para sa magazine etc.).

Bago ang lahat, may sasabihin ako sa inyong malaking sikreto:sa totoo lang, hindi ko rin alam kung papaano ko nasisimulan ang pagsusulat. Anything goes, pero paununlakan ko kayo ng mga ilang bagay na ginagawa ko para makapagsulat:

1. Magdala parati ng (kahit na maliit) notebook at panulat kahit saan - o kaya kapirasong scratch paper, minsan, nakakabuo ako ng kwento o article sa likod ng mga luma kong test paper o sa tissue. Eto na siguro ang pinaka-una at pinakalaganap na tip na maibibigay sa iyo ng kahit sinong writer.Oo, kahit mukha kang tanga o kaya mukha kang waiter. Maraming pwedeng pagpulutan ng ideya, sa bus, sa school sa opis maski sa CR! Kahit saan. Isulat mo doon ang mga naiisip mo, mga naoobserbahan mo, mga pag-uusap sa tabi mo. Gawin mo ito kahit saan, kahit kailan. Magagamit mo ang notes na nakalap mo sa mga pag-uusap at sa mismong kwento na gagawin mo. Samahan mo na rin kaunting drowing para masaya!

2.Magbasa-ng kahit ano at kahit saan - Marami sa atin ang may ugali na nagbabasa sa kubeta at sa dyip. OK 'yun. Maraming mapupulot sa pagbabasa at bukod doon mapapaganda pa nito ang grammar mo. Magbasa ng komiks, dictionary, thesaurus, FHM, children's books, workbooks, kahit ano. 'Wag lang tingnan ang mga litrato, basahin din ang caption sa ibaba nito. Pati foreword at back page basahin mo na rin. Pero 'wag mo namang sauluhin yung buong libro, maliban na lang kung hardcore ka.

3.Balikan ang iyong Pilipino at English - sige, hipan mo yung alikabok at balikan mo uli yung mga notes mo ng English at Pilipino nuong high school. Ano ba talaga yang mga patinig at katinig at pandiwa at pangngalan na iyan??? Eh mga nouns? Verbs? Adjectives? Subject-Predicate agreement??? Gulat ka ano??? Reviewhin mo tsong!

4. Makipag-usap - 'Tol, kung hindi mo ito sa pangaraw-araw, tanungin mo sarili mo "Tao ba ako?". Nakakatulong ang pakikipag-usap sa pagbu-buo ng mga ideya para sa alinmang kwento.

5. Magpraktis mag-sulat sa kamay - Kumuha ka ng lapis. Kahit anong lapis. Pati na papel. Ngayon isulat mo ang buong Pilipino at English (at 'pag sinisipag ka, pati na rin Chinese, Japanese Hiragana at Katakana o kung ano pa mang ibang leggwahe dyan) pati mga numero. Gawin mo ito kapag nalolongkot ka at walang makausap o sadyang bored ka lang. Ok itong warm-up sa pagsusulat. Ok lang ang personal computer pero syempre, tanungin mo sa sairli mo: "Paano kapag wala o hindi ako makakagamit ng PC?". Praktikal 'di ba?

Get's mo na? Ngayon, iba-iba ang diskarte natin kaya hindi nakataga sa bato 'yung mga tips na binigay ko sa taas. Sa susunod, mas marami pang mga specific tips para sa pagsusulat ang ibibgay ko.

Sandali lang, mambobola, este magtuturo muna ako...

5 comments:

Jonas Diego said...

Oo nga. Kelangan yan lalo na kung susulat ka ng love letter. And sagwa naman sa irog mo kung carabao english ang love letters mo sa kanya.

Speaking of writing, may writer's magazine ako dito sa bahay na din ko na ginagamit. Baka mapakinabangan 'nyo pa. Give it to you kapag nagkita uli tayo. :)

Ilyn said...

... and I thought, na pambobola ang magturo. hmmm. di ba? wala sanang makabasang estudyante ko. :) hi, jerald!

Raipo said...

Hehehe! 'Di alam ng mga bata binibilog lang natin mga ulo nila! 'Di ba Ate?(Joke!).

Ok yan Jonas! Sige pahiram ako sa Sunday! Sagwa naman nga kung mang-iimpress ka lang sa pagsulat, todohan mo na 'di ba? Kahiya naman kung ala-Jimmy Santos ka...

Jac said...

Great to see you guys kahapon :D

jrld said...

i think ang pagiging observant ang pinaka best para matutong sumulat. ganda nga pala ng vermin pare!

ate ilyn: heello!!:)

jac: hi! where's your sister?!:)