Tuesday, November 30, 2004

Nuong nakaraang Linggo sa Sampalok Lake Park...

Nung nakaraang Linggo ang isa sa mga pinaka-masasayang miting ng Komikero sa tabi ng Sampalok lake. Ang daming dumating! Nakakagulat at biglang nagsulputan yung mga bagong miyembrong babae kaya medyo "Girl Power" ang miting na iyon. Pati sila Henry at Rod bigla ring sumulpot (It worked! daw)

Pag-katapos naming magsi-kain, bumaba kami agad ng lake at syemre nagkanya-kanya na kaming pwesto doon. Maya-maya, nagbabatuhan na sila Gerry, Jonas at Johnny ng mga bato. Palayuan daw ( o palapitan sa mga fish pen, depende sa inyo...). Naisipan naman ni Mylene (long -lost Komikera) na magpatalon ng bato sa tubig (konti pa Myls, makukuha mo rin kung papaano...). Masaya kahit na medyo maulan kagaya nung isang taon.

Nag-yaya naman si Jonas na mag-bisikleta paikot sa lawa, kaya sumama sa amin sila Jac, Myls, Zara, Edjee, Johnny at Jrld. Mas OK sa may Sampalok kaysa sa Luneta, kasi hindi masyadong masikip, 'yun nga lang ingat lang kami sa mga sasakyan na nakasalubong namin...

Pakiramdam ko, bihira na 'yung mga ganung kasayang araw. Masarap maging bata uli ano? Pero syempre lahat tayo, ehem, >ayoko mang sabihin<>

Ah basta! Masaya kami nung Linggo!!! Sana maulit!

2 comments:

Roberto Iza Valdes said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Roberto Iza said...
This comment has been removed by the author.