Sunday, December 05, 2004

Shaolin Air Hockey

Nung nakaraang Sabado, lumuwas ako papuntang Glorietta para kunin ang complimentary copies namin ng Seeker magazine. Nakipagkita ako kanila Jonas at Myls para makapag-lakwatsa ng kaunti. Sayang din kasi hindi nakaabot si Jerald, pero sige tol sa susunod na lang uli!

Pagdating namin sa Timezone Arcade sa taas, umuna muna kami sa Time Crisis 3 (na sobrang iba sa Time Crisis 2) tapos ay nag-Air Hockey kami. Sa mga laro namin ni Mylene, tabla lang kami...

...hanggang sa hinamon kami ni Jonas...

Partida pa sa kanya, kaming dalawa laban sa kanya. Parang Shaolin Soccer ang nangyari...nag-serve lang si Jonas at >Poof!<. Score!
At naulit pa iyon hanggang sa hindi na kami nakaporma ni Mylene laban kay Jonas...

Pagdating naman sa one-on-one, mas nakatagal pa si Myls laban kay Jonas kaysa sa akin. Ewan ko ba, sa bilis ng mga pangyayari, 'di ko alam natambakan pala ako ni Jonas.

So ang aral natin sa araw na ito: "Huwag hahamunin si Jonas sa Air Hockey". Ano kaya?:

"Komikero Air Hockey Open Tournament"

Sayang pakinggan ano? Tapos si Jonas 'yung Boss...


3 comments:

Jonas Diego said...

Masama pa ang pakiramdamdam ko nun...:)

Anonymous said...

hehehe...may hidden talent pala si jonas...


|Arashi|

Jac said...

'Boss'? Gawin bang monster nyahahahah!