Tuesday, December 07, 2004

Homo weirdus

Bawat lakad o happening namin ng Komikero, may na-eengkwentro kami ng at least isang weirdo (na ilallagay sa sarili nilang klasipikasyon at babansagang Homo weirdus magmula ngayon) . Pinakamarami na 'ata nung July sa Manila Toycon (3 sila). Nung nakaraang Sabado ang pinakahuling specimen na naabutan namin ni Jonas sa may Filbar's Glorietta 2. Tawagin natin siyang "Justice League Guy"...

Naguusyoso lang kami ni Jonas nang napansin namin si "Justice League Guy/ JLG" na nanunuood ng bagong mga episodes ng Justice League Unlimited TV series (yes! bagong season!). Akala namin, tatay siya na hihintay lang 'yung mga anak niya na makabili, siguro mga nasa early 30's siya, medyo napapanot na at nakasuot ng dilaw na polo shirt at brown slacks. Normal siya, kaya lang nag-IIngles siya (medyo Brit ang punto) at tinatanong kami ni Jonas ng mga tanong tungkol sa Justice League (Nasaan na daw si Guy Gardner, Ano na daw nangyari kay Hal Jordan, Ilan daw namatay sa JL nung issue ganyan-ganyan etc...) . Kalaunan, medyo napapa-"HA???" na lang kami ni Jonas sa mga tanong niya kaya umisip na siya ng palusot para makaiwas kami. Sa totoo lang, tina-Tagalog namin siya ni Jonas at parang naiintindihan niya kami, pero tuloy pa rin siya sa ka-IIngles.Tsaka parang bata ang pattern ng boses niya kaya natunugan na namin na hindi siya karaniwan.

Akala ko weirdo na ako. Nagbabasa ako ng JLA at nanonood ako ng TV series nila pero ober 'ata yung taong iyon.May karatula ba sa mga noo naming mga Komikero na may nakasulat na: "Mga Weirdo:Kausapin nyo kami". O baka natunugan niya na comic creator si Jonas???

Pagbalik namin ni Jonas sa may Filbar's mga isang oras matapos kaming maka-alis doon, nandun pa rin siya. May kausap na iba...

No comments: