Wednesday, December 15, 2004

Ang Insidente ng Nagkalat na Alamang sa Kwarto ng San Pablo

Sa mga tagasubaybay ng P.A.A.R.T., alam ninyo ang San Pablong tinutukoy ko. Pero sa mga ngayon lang nakasabay, ang I- San Pablo ang problema kong seksyon nung una. Pero medyo bumait sila, dahilan na siguro sa:

Insidente ng Nagkalat na Alamang sa Kwarto ng San Pablo

Nangyari ang insidenteng ito nung Lunes (Dec. 13), hapon. Pagpunta ko sa kwarto nila, ambaho kasi nagkalata ang alamang sa halos kalahati ng mga upuan nila. May nagdrowing din ng porno sa blackboard nila. Magagali sana ako kasi akala sila na naman ang may pakana ng kalokohang iyon. Pero napagalaman kong pinag-tripan sila ng mga upper classmen (ayon sa janitress na nakasaksi sa krimen at ayon na din sa kanila). Naawa tuloy ako sa kanila. Nakarating ang insidenteng ito sa prinsipal at inatasan niya ako na dalhin sa hustisya ang maysala.

Ngayon siguro, natauhan ang mga taga-I-San Pablo. Tahimik sila ngayon. May mas sasalbahe pa pala sa kanila...nakabuti para sa akin ang nangyari dahil ngayon medyo nagtitino na sila ngayon.

At para naman doon sa batang nagkasala, hindi ko siya TATANTANAN!

*mamahinga muna si Ryan sa pag-popost sa blog na ito dahil bakasyon na at dahil na rin sa matagal-tagal siyang mawawalan ng access sa internet...Abangan sa Enero ang mas marami pang kahindik-hindik at kagila-gilalas na pakikipagsapalaran dito lang sa P.A.R.R.T.!

2 comments:

.:k:. said...

alam mo ba nga ngayon lang ulit gumana ang post a comment na ito sa aking computer?! antagal ko nang gustong magcomment, pero ayaw gumana, lech! at least ngayon napagana ko na yehey!!

ingat ka lagi, raidoggie!! happy christmas!

/kei

Jac said...

hail Great Teacher Raipo! Check out my Deviantart ha? ;)