Sunday, December 12, 2004

Subukan ninyong maging tatay ng mahigit kumulang na 100+ na estudyante na kulang na lang ay jombagin mo sila sa sobrang pasaway

'Yun lang naman ang nararamdaman ko ngayon...para akong tatay (Homer, Roe alam ko ang iniisip ninyo). Nagsasaway, nangsesermon. Pero kahit na labs ko pa rin sila. Naaalala ko kasi 'yung mga panahon na high school kami. Ginagawa ko lahat ng makakaya ko para matuto sila.

Ngayong linggong ito, Achievement test nila (ngayon ko lang talaga na-enkwemtro ang test na ito, wala kasi nito dati), kahit na medyo napagsabihan ko sila nung nakaraan, tingin ko natauhan sila doon.

Nanghihinayang ako sa bata ngayon, kahit na marami na silang paraan para makapag-aral ng maayos, nasasayang lang. Siguro kung bata ako ngayon, mas enjoy ko ang pag-aaral ko.

2 comments:

blunderboy said...

Sabi na nga ba e! Tatay ka na nga! bwehehehehehehehehe!!

Raipo said...

Gagu...