Monday, March 07, 2005

Ano nang nagyari sa iyo, Mr. Toledo???

'Eto, gwapo't matalino pa rin...

Pasensya sa mga nasuka sa harap ngmga PC nila...konting hirit lang, malapit na naman ang Semana Santa, lulubusin ko na mga kasalanan ko...

Nag-field trip kami ng NatSci I & II sa may Los BaƱos at San Pablo nung nakaraang Sabado. Pumunta lang kami ng Natural History Museum, sa may Botanical Garden, tsaka sa Raptor's Sayang 'alang mga pictures pero sinasabi ko sa inyo, sa buong tanang buhay ko na nag-aral ako sa Elbi, ngayon lang ako naka-pasok sa Natural History Museum.

Nakakamangha! Lumaglag ang panga ko sa sahig!

Ngayon lang ako nakakita ng BWAKANANG-INANG LAKI nakalansay ng pilot whale mula sa Palawan!!! At buo pa! Pati na rin yung mga iba't ibang preserved specimes doon, lalong-lalo na yung mga parasites! Kinilabutan ako!

At at usual, trekking sa may Botanical at Raptor's. Medyo masama ang panahon noon kaya madulas tsaka mabanas nung umakyat kami. Di rin kami nakakain ng maayos kasi basa yung mga upuan. Swerte na lang nmamin kasi nung pag-akyat namin sa Raptors, nasa mood mag-pose yung haribon nila kaya sulit na rin...

Tapos noon, nag-bike kami sa may Sampalok lake sa San Pablo pero hindi rin kami nagtagal doon. Nakadaan naman kami sa Cafe' Curio sa may San Pablo na pag-aari ni Ma'am Collette ng Collette's buko pie. Grabe! parang Stabucks ang dating sinasabi ko sa inyo....

Kaya lang sa kasamaang palad, pagkatapos ng sangkatutak na paglalakad at pag-tsibog,

Nakarma ako, nagkasakit ako nung Linggo

8 comments:

Gerry Alanguilan said...

Ganan talaga pag walang exercise, madaling magkasakit. hehehe. Di bale, sarap namang mamasyal, di ba? :)

Gerry Alanguilan said...

Oops, Rai. Di si Gerry ang nag-comment. Ako yun. --Ate Ilyn

Raipo said...

Ah ok... oi, Ate may exercise naman ako ngayon, nagdi-diet din ako ngayon. Naulanan lang ako ng todo nung araw na iyon...

Jonas Diego said...

Pagaling ka, dude! :)

Anonymous said...

napa google tuloy ako para lang malaman ang itsura ng pilot whale na yun ahahahaa

azrael said...

that was me pala!!!! ^^^above

Raipo said...

Ah ganun ba Az? Bata pa nga yung nakuha eh, hindi pa adult (whale)

Roberto Iza Valdes said...
This comment has been removed by a blog administrator.