Monday, March 14, 2005

Paano mag-dissect ng palaka....

Pasingtabi sa mga allergic/ may phobia sa palaka....

Tinitopak lang akong mag-lagay dito sa P.A.R.R.T ng isang "educational" na post para sa inyo:
"Paano mag-dissect ng palaka"*
*Note: ang mga pangyayaring tinutukoy sa ibaba aytotoong nangyari sa iprivate high school kung saan nagtra-trabaho siMr.Toledo. Tunghayan kung papaano ang tamang paraan kung paanotakutin este hikayatin ang mga estudyante na tuklasin ang iba't-ibangaspeto ng katawan tao sa pamamagitan ng pag-dissect sa isang palakangbato (Bufo marinus)


Rambulan na!


Step 1: Papilahin ang mga estudyante sa labas ng lab at papasukin silanang maayos sa loob nito. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng dissectingpan, scalpel, pithing needle, pins, ether solution atbp.

Step 2: Sabihin sa mga estudyante na: "O, lahat, hahawak ng palaka! ang hindi humawak, bagsak sa exercise na ito!!!"

Step 3: Isa-isang pahawakin ng palaka ang lahat ng estudyante...

Step 4: Panooring tumili, tumalon at tumakbo sa loob ng lab ang mga estudyanteng diring-diri sa palaka.

Step 5: Kapag lahat ay nakahawak (o nakahampas dahil sa sobrang diri/takot) na ng palaka, i-pith ang palaka sa pamamagitan ng pagpasok ng pithing needle sa batok ng palaka sa bandang gitna ng atlas at axis nito.Itong paraang ito ang makakapagparalisa sa palaka...

Step 6: Kapag naparalisa na ang palaka (o kapag namatay na lang ito sa sobrang shock sa pagkakatuhog nito), ihilata ang palaka sa likod nito sa dissecting pan at simulan nang buksan ang tiyan nito mula sa may puwitan hanggang sa panaga nito.

Step 7: Gumawa pa ng isang hiwa sa bandang tadyang (ribs) ng palaka. Tiisin ang sunod-sunod na sigawan at iritan ng mga estudyante. Sunod na hiwain ang muscle membrabe na nakabalot sa mga lamang-loob ng palaka.

Step 8: Ipakita sa mga estudyante ang mga lamang-loob ng palaka at ipaliwanag ang silbi ng bawat isa (lalong-lalo na ang tumitibok pang puso). Maghanda ng mga plastic bag para sa mga batang hindi kayang indahin ang diri...

Step 9: Matapos ang dissection, ibalot ang palaka sa plastic bag at ipa-uwi ang mga palaka sa estudyante. Sabihin na pakuluan ang palaka at kunin ang mga buto nito at buuin sa isang pirasong illutration board.

Step 10: Sampigahin ang mga estudyante na hindi magsu-submit ng mga requirments nila...


Image hosted by Photobucket.com


Palakang bato: Bufo marinus. Ayos i-dissect


Image hosted by Photobucket.com
Mas malaki, mas ok!!!


O 'di ba educational!!!!




9 comments:

Arashi-KIshu said...

Gross!!!!

Jonas Diego said...

Cathy, OK pa nga yan e. What I hated dissecting the most was cockroaches. Now that's gross! Ewwww! ;)

.:k:. said...

wahahaha, naaalala ko yung bio3 ko sa elbi...yung aking "super-strong" froggie ko na ayaw magpadissect nyahahaha!!!

/k

blunderboy said...

brings backs those high school days!!! where 75% of the girls in our class are already disemboweling the hapless frogs habang yung iba ay tumitili... while the boys for some reason got hungry... me included! hehehehehe!!

Raipo said...

Jonas, Cathy I agree. Pero trabaho ko 'yon...'ala akong magagawa...

Homer, kei oo nga may mga palaka nga na sobrang lakas. Tanggal na lahat ng lamang loo, buhay pa rin.

You guys should have seen yung "mascot" namin. Mas malaki pa sa kamay ko! astig! Took me 4 pithings para lang mapatulog ko siya.

Arashi-KIshu said...

My sister told me this story about the "Terminator frog" in their class. This frog was put under, then pinned on a pan half-filled with wax. She spliced the frog on the belly, exposing its beating heart. The frog suddenly awoke. Slowly, it pushed its webbed right foot free, then the left, until all its limbs were free! It jumped across a classroom of screaming schoolgirls, with pins still attached to its feet!

blunderboy said...

ryan!!! bat ala ka nung saturday dito... ang saya!!! tumambay lang kami sa gapz nina peks at roe... kulitan blues!!! grabe!!!

Gerry Alanguilan said...

Ryan! Magswimming tayo na parang palaka! April 9, Sabang Hills! Ala ka load no?

Roberto Iza Valdes said...
This comment has been removed by a blog administrator.