Sunday, April 10, 2005

Nagsimula ang lahat sa isang bilog na gomang kulay pink...

Minsan napadpad kami ng kaibigan ko sa Toy section ng Robinson's sa Los Baños. Nakita ko sa isang banda 'tong kulay pink na bagay na gawa sa goma.

Hirit sa akin ni Homer :"Ano namang gagawin mo d'yan?"
Sagot ko naman: "'Ala lang, dadalahin ko sa San Pablo sa Sabado sa swimming namin."

Frisbee pala 'yung nabili ko. Trenta pesos lang kaya 'ala nang masama. Dati kasi may ideya si Jonas na magdala ng frisbee nung nakaraan. Sayang nga walang mas malaki.

Dumating ang Sabado, swimming ng Komikero, nagulat ako nandun pala si Rene' (na lingid sa kaalaman ng lahat ay isang "secret agent" kaya hindi masyadong nakakapunta sa mga miting). Maya-maya, unti-unti na silang nagdatingan. Lahat nagtataka kung ano yung pink na bagay na dala-dala ko...

"Frisbee." lagi kong sinasabi

Nang lahat nasa tubig at naliligo na, unti-unti kaming nagkaroon ng mga ideya kung paano laruin 'yung pink na frisbee. Sinubukan naming laruin na parang Ultimate Frisbee. "Di siya masyadong nag-click. Pinagpasa-pasahan namin pagkatapos. OK naman.

Nung bandang huli. Nagkakatamaan na kami sa ulo sa katawan hanggang sa naisip namin na bakit hindi namin gawing parang habulan/tayaan (tag). At doon nagsimula ang pagkatagal-tagal at pagkasaya-sayang session ng bagong larong naimbento namin. Nagkaroon ng mga mala-"Matrix moves", Tamaan at soplakan sa mukha at katawan, mga counter, "Special attacks" at iba pa. Nagmukha siyang "Doom"/Quake/Counterstrike" sa swimming pool.

'Langya, ilang calories kaya yung naubos namin???

Pagatapos magkapaguran at magka-ayawan, nagpahinga na kaming lahat. Maya-maya bigla na lang may humirit:

"Wala pa tayong pangalan sa laro natin."
"OO ng ano."
"Water Frisbee tag?" Hirit ni Gerry.

Ayun. Ayun na nga. Katuwa nga, sa isang simpleng bagay nakagawa kami ng isang komplikadong laro. : )

11 comments:

hxero said...

Waahhhh d me nakasama. ang tagal kase ng trip from baguio to manila. d na me umabot pa sa swimming.

Jonas Diego said...

Raipo: Siguro mga 2,000 calories din yun. :)

Arashi-KIshu said...

Hahaha! Isipin mo kaliit-liit na bagay na kasimple-simple napaaliw tayo ng ilang oras?

Now I'm beginning to wonder how high our IQs really are...

We're probably geniuses for making a complicated sport out of a small pink rubber disc.

blunderboy said...

Nah... in ryan's case baka 1500 calories lang!!! hehehehehe!

Jonas Diego said...

Blunderboy: Hinde! Mga 2000 calories talaga. Pero alam mo naman si Raipo. Magbu-burn yan ng 2000 calories pero kakain uli ng 3000's worth. ;)

Raipo said...

Hey! Foul na 'yung tungkol sa calories!!! I lost 2 kilos believe it or not nung nakaraang mga 2 linggo and I'm maintaining it!!!

Guys, sa palagay ko lang 'yung mga pinaka-simpleng laro 'yung mga talagang nakaka-aliw.

Ang importante, we all had a TON of FUN!!! Sa susunod!!!

Jonas Diego said...

Yeah! Fun is fun. :)

rene said...

you are soooo dead! now that you know my secret. hehehe!

Arashi-KIshu said...

Then we're all dead, secret agent Rene :)

Raipo said...

I THINK IM GONNA DEAD!!!!!

Well guys sorry kung hindi ako masyadong makapag-update, vacation mode ako

Anonymous said...

Nice Blog about dvd player china. I also have a Blog/Website about dvd player china which is why I enjoyed this blog so much. Keep up the excellent work! Check out my site if you have a moment.