Geekspeak #1: "Keso"
Sa Ingles: "Cheesy"
Matagal nang salita ito ng mga kritiko ng pelikula, pero naging parte ang "Keso" sa kulturang Geek.
"Keso" ang tawag sa mga bagay na medyo "over" sa lakas, bilis at iba pang katangian. Halimbawa: 'pag may humirit na:
"Pare, ang keso ng deck mo"
...ibig sabihin masyadong malakas sa puntong nakakangilo na ito. Kalimitan, kinakabit ang keso sa mga agresibong deck (sa mga CCG o collectible card games), figures (sa mga miniature games) at kung alin pang mga bagay na may kinalaman sa gaming.
Minsan, hindi na rin masaya ang "kakesuhan" (cheeseyness), kung naglalaro kayo ng mga CCG's o iba pang hobby games alam nyo na kung bakit.
1 comment:
hmmm...interesting.. =)
Post a Comment