Friday, July 01, 2005

Toy on!!! Toycon 2005

Pasensya na at medyo late! Grabe ang toycon nung Linggo, June 26, 2005, as in! Entrance pa lang andami nang tao mas marami nung nakaraang taon.

Major sponsor ngayon ang Channel 7 kaya todo promote sila ng Darna at Engkantadia. Naka-display sa booth nila ang mga costumes at props (mga espada, animatronic puppets atbp). May humirit na dumating daw si Angel Locsin pero hindi masyaodng kumpirmado yung pagpapakita niya.

Tanghali na nung nagasimula yung mga program kaya marami-rami na yung tao. Nu'n nga palang isang linggo, ini-announce ni Francis M. At Bitoy sa Eat Bulaga yung Toycon, pero si Francis M. lang ang naka-punta. Dumaan siya sa Booth namin kaya napa-autograph ko sa kaniya yung ticket ko pati na rin kay Maverick Relova (ng "Misadventures of mMaverick and Ariel") !!!Pati si Bobby Andrews nagpunta din pero hindina ako nakapagpa-autograph sa kanya.

Sa booth naman, naki-upo sa amin si Oliver Pulumbarit (Lexy, Nance & Argus) at si Carlo Vergara (Zsazsa Zaturnnah) pero hindi gaanong nagtagal. Pero naiwan si Fero na kaibigan ni Oliver sa booth para magbenta ng mga comics ni Carlo at Oliver. Instant friend namin siya at hindi ko rin inakala na ginawa niya yung isang series sa Questor Mangamania dati. Sayang hindi nakadaan si Arnold Arre at Mico Suayan pero Oks lang-- Dumaan nga rin nga pala sila Ariel Atienza at Lico Reloj 50 Peso Ninja) mula sa Artists Den.

Na-tuliro kami nung dumaan si Francis Magalona sa booth at binili yung natitirang Superman:Birthright ni Gerry. Pati na rin si Mr. Fil Barbasa a may-ari ng Filbars! Grabe! Nakaka-starstruck (hindi yung show ha?)!

Akala namin ligtas na kami sa mga weirdong tao pero iyon nga lang hindi talaga tinantanan si Jerald (hehehe!). Hulaan nyo na lang kung anong nangyari.

Syempre hindi kumpleto ang Toycon kung walang mga gimik, raffles at papremyo. Muntik na akong manalo ng isang Honda Civic 1:35 scale model, lapit na nung ticket number ko sa nanalo:0635. Yung ticket ko naman, 0605. Sayang may kasama na sana yung 1:35 ko na BMW M3. Nagpa-tournament din sila ng Soul Calibur 2 at pabilisan mag-transform ng mga Transfromer toys (gimik ng Transfromers Phils.).

Ine-expect namin na sasali si Cathy sa cosplay,pero sa hindi inaasahang sorpresa, naging judge sila kasama sila Maverick. Astig yung mga costume, pero yung isang bagay lang na talagang nakaka-gulantang eh yung group cosplay ng Shaman King na umabot sa 18 na miyembro! Hirit nga ng mga host: "Buti hindi nagiba 'yung stage!"

Nakakapagod! Kahit patayo-tayo lang kami, nakakapagod talaga. Pero sulit naman kasi andami talagang giveaway at bargains katulad ng mga nakuha ko:

- 2 Bubblegum Crisis 2040 VCD's na 20 pesos isa (sa booth ni Mark Navarro)
- Wild Arms 3 postcard, Will Eisner's "The Spirit" at Crossgen Comics " Meridian" bookmarks, Reel toys sticker, DC Direct catalouge.
- Magic the Gathering, Duel Masters at Marvel VS. trading cards.
- Priston tale poster and installer disc
- Libreng kopya ng Siklab at "Pnaginip ni Junior" ni Jeff Benitez
- "50 peso ninja" ni Lico Reloj (may libre pang tarot reading!)
- At syempre ang walang kasing OK na pakikisama ng mga tao sa industriya ng komiks at hobbies sa 'Pinas

Wala na akong masabi, ansaya talaga! 'Ika ng ni Maverick sa ticket ko: "Toy On!" Mabuhay!

4 comments:

Arashi-KIshu said...

Gyahaha! Isang araw ng sorpresa!

Nge, yun pala ang ibig sabihin ng Keso. Alam ko lang ang ibig sabihin ng "keso" ay "Cheesy," as in, baduy

Jim Naka said...

Nice blog. Please check out my car model toy site. It is all about car model toy informations.

Anonymous said...

Hello!
free tarot reading site is a very interesting subject and I really enjoy Your blog.
If You are really interested in this You must visit free tarot reading site
Here You find a complete directory regarding free tarot reading site

So please, don´t miss free tarot reading site

Anonymous said...

Nice Blog about business home legitimate making money opportunity. I also have a Blog/Website about business home legitimate making money opportunity which is why I enjoyed this blog so much. Keep up the excellent work! Check out my site if you have a moment.