Geekspeak #3"Munchkin"
Munchkin- sa madaling salita: mga "power gamers" o yung mga gamers na nagmiminimize o nag-mamaximize ng mga stats, equipment at kung ano-ano pang aspeto ng laro o characters nila...
Hindi ito yung mga maliliit na donut na nabibili ninyo sa Dunkin'--
Simula pa lang ng mga pen-and-paper RPG's kagay ng Dungeons and Dragons (oo kids, hindi Ragnarok ang unang RPG, tandaan ninyo 'yan--), meron nang mga munchkins. Yun' yung mga tipong tao inaabot ng kung ilang oras sa pagdi-distribute ng stats ng characters nila para maging "keso" (Geekspeak #1).
Kung baga, numbers lang ang tingin ng mga taong ito sa mga characters nila, kaya medyo nakaka-asar, nawawala tuloy ang "espiritu" ng laro--
Isang huling anecdote:
(Narinig ko lang sa TV, mula sa isang high school na lalaki) "I love Ragnarok, it's the pioneer of multi-player RPG's here in the Philippines!"
Yeah, riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiight!!!--
3 comments:
TIME CRISIS!!! MY FAvorite!
Grabe ang Mazan, nagkaroon naman ako ng cramps nang 3 araw...
hahaha! Mazan tayo pag magkitakits! atsaka turuan nyo kami magspeak l33t! :D
Post a Comment