Friday, July 29, 2005

Kailangan ng Paaralang ito ng Hustisya! (This school needs Justice!!!)

Isang linggong puro karahasan at kaguluhan sa trabaho:

Lunes, July 25 2005: 2 estudyante ko ang nahuli na gumagamit ng joots sa isang kwarto sa school, may apat pa na nasabit--
Martes, July 26 2005: Nagkumpiska ako ng mga celfone ng mga estudyante kong nagte-text sa klase. Sinagot at binastos ang inyong lingkod habang kinukuha ng 1 estudyanteng lalaki ang cel niya sa guidance office, pinagagawa ako ng incident report para sa suspension ng bata--
Miyerkules, July 27 2005: Nanakawan ang principal namin ng kanyang handbag na may lamang pera at papeles. Pinaghihinalaang inside job ang nangyari.Na-guidance ang isa ko pang estudyanteng 2nd year na lalaki dahil sa pambabastos pa sa isang teacher, maaring ma-suspend ang bata--
Huwebes, July 28 2005: Nagsabunutan ng 3 beses(!!!) sa iba't-ibang oras at lugar ang 2 estudyanteng kong babae na 4th year dahil sa matagal na nilang asar na dalawa. Maaring ma-suspend ang 2 tinukoy--
Biyernes, July 29 2005:Ngayong umga lang, nabalitaan kong kinukunan kami ng ilang mga estudyante sa camera fones nila nang patago. Naghahanap daw sila ng mga pagkakataon/sitwasyon na mapapahiya kami sabi ng isa nilang kaklase--
Kailangan ng mga bata ng matindi-tinding hustisya!!!

10 comments:

Jonas Diego said...

Grabe na ang mga batang 'yan ah. Kelangan mo ng alter-ego to mete out...HARD JUSTICE!

Seriously though, ingat na lang, dude. Mas matitinik ang mga bata ngayon. :)

rene said...

I "WASTED" NA KAAGAD BAGO UMUSBONG ANG MGA BAGONG KRIMINAL!!!

Raipo said...

Kung pwede nga lang talagang hatawin isa-isa ng meterstick...kagaya nung dati. Grabe! Anglupit ng mga teacher dati, namamalo talaga!

Julius said...

Paking syet! Grabe namang mga bata yan! Nasalingan ata ng mga demonyo! Naalala ko tuloy nung nagtuturo pa ako! Tinalo ko pa ang mga ipis sa bilis ng evolution (pagtanda) ko! Nagmukha akong purdoy na gurang! lolz.

Arashi-KIshu said...

haller!!! asan ang mga magulang ng mga batang yan. sobrang pasaway! kahit ako di ganyan! sila pa me ganang magalit...at nanghuhuli pa ha!

Rene, yun website mo parang may diperensya

jrld said...

hala! ryan toledo scandal: coming soon!!!

Raipo said...

Maaga akong tatanda sa mga dito.

FYI lang, kinunan nung mga usisero yung away, may parts 1-3. Tingnan ko kung makakuha ako ng kopya...

jose arvin said...

we should apply always reverse psychology raipo...di mo na sila madadala sa military take over mo...mas lalo silang lalaban...always bear in mind no capital punishment should be imposed again...baka behind bars ang abutin natin...hehehe...a friendly reminder...patience! patience...and so forth....

Roberto Iza Valdes said...
This comment has been removed by a blog administrator.
things to do said...

Hi, I'm doing some research into search 'keywords' related to finding friendship on the web, e.g. 'things to do' . I need to talk to people who regularly look for new friends on the web. I've found some people via things to do but I need to talk to more. Can you suggest where else to try?
TIA