Monday, April 10, 2006

Ang bago kong Besfren...

...well, actually...hindi. Matagal na pala kameng magkasama. Tanda ko nung high school magkasama kami pero iba pa itsura niya 'nun. Hindi pa gaanong kaganda, pero ayus lang.

Tinulungan niya ako dati sa pagawa ng thesis ko, hindi nya ako pinabayaan sa mga term papers ko....

...tapos nung minasan nagkaroon ako ng raket sa isang local hobby gaming magazine, ayun! magkasama pa rin kami! ang laki ng tulong niya nung nagsusulat ako ng articles, naku kung wala siguro siya, yari ako sa bossing ko.

...nung mga panahon na naghahanap ako ng trabaho, anjan siya, tumulong sa resume ko. Tanong ko tuloy, "Paano na kung nawala ka?". Nakow! Andrama!

Pati sa trabaho, shet kulang na lang pati grades ng mga estudyante ko gawin nya...

At hanggang ngayon, katulong ko pa rin siya sa mga raket ko...

Galing mo talaga...
Microsoft Word! The best!

No comments: