Sige nga, subukang kong magbi-lingual" ngayon...
Hmmm...hinid ko talaga maisip na magkakaganito ako sa trabaho. Kagaya nga ng mga sinabi ko nung mga nagdaang article, nag-eedit ako ngayong ng mga thesis, term paper at disseration mula sa U.S. at U.K. Grabe, nananaba ako ng sobra ngayon. Mantakin ba, halos otso hanggang dose oras ako sa harap ng PC, puyatan pa madalas. Naisip ko tuloy: "Paano pa kaya kung sa Comics 'to?"
Gaya nga minsan ng hinirit nila Jim Shooter at Tom De Falco (mga dating editor sa Marvel comics) hindi biro ang editing (hindi lang siguro sa comics). Nagtataka nga ang mga tao sa kanila minsan kapag sinasabi nila na editor sila sa comics. ang lagi daw hirit sa kanila e, "Ganun? nagtatama ka ng grammar sa comics?".
Huh? kelan pang naging grammar check lang ang pag-edit???
Kung alam n'yo lang ang hirap ng isang editor. Una, minsan sa sobrang sahol ng grammar (maniwala kayong may mga Kano at Brit naambaho mag-Ingles?)hindi namin maiwasan na "ire-construct" ang isang sentence o kaya isang paragraph at kung mamalasin, yung buong document...minsan naman sa format dumadale. Minsan sa tenses, minsan sa spelling... Ay sus GINOO!!! sya ganyan talaga...kung walang ganun wala kaming trabaho...
Hay...buti na lang hindi "Boy" ang pinangalan sa aking ng mga magulang ko, baka pati 'yon ma-edit ko...
Susunod: "English version" ng article na ito <'wag muna sila Hulk and Wolverine i-uupload ko pa yung mga picture :) >
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment