Pasensya mga giliw na tagasubaybay at matagal-tagal na hindi nakapagpost ang inyong giliw na lingkod dahil ginagampanan ko ang aking tungkulin bilang isang >ehek!<>
*Singit lang: iginurpo ko ang mga indies sa "regular" at "established" na kategorya ayon sa estado ng mga taong gumawa nito. Pasintabi na lang po kung may mali sa aking pagkakagrupo, mabuting i-email nyo ako sa rai_gt@yahoo.com kung may gusto kayong ibahagi nareaksyon o anuman...
Ok, basagan na ng mukha -este!- indie review na! Simulan natin sa mga regular:
"Pajina" ng Clovr Studios (one-shot) = magaling ang konsepto ng indie na ito. Galing ang inspirayon ng Clovr Studio sa isang email na finoforward ngayon. Ang masasabi ko lang: "Hanep!" yung nga lang medyo mahirap basahin dahil sa mas maliit ito sa karaniwang indie...
"ORGRUM tidbits"/"AA Battery" nila A. Daniel Cruz at Analyn Perez (Gintong Illus) = Kahit na maraming "in-jokes" (Sensya Daniel at Analyn , hindi ko talga ma-gets) at hindi maipaliwanag na hirit sa compilation na ito eh masasabing "Ayos!" pa rin ang indie na ito!
"Breakout" ng iba't-ibang artists (Subway Prod's) = Sulit ang isang ito dahil sa 3 istorya ang naklagay sa presyo ng 1 indie. Yung "Me and my Ghost Friend Musashi" eh nakakabitin. Yung "The Maid" naman eh kahentai-henati (Rak en rol!, ayan nahawa na ako kay Manix). Pero ang pinaka-nakapukaw ng atensiyon ko eh yung "Banana Conflict" n isang magandang rendisyon ng "Ang Pagong at Matsing" (hehe basahin nyo na lang!!!). Ayus!
"Talikala" ng Mirida sa orihinal na akda ni M.I. Mulimbayan = kung tutuusin, isa ito sa mga pinakasulit na indie dahil sa "Production value" nito. Maganda ang kwento at naaalala ko ang animeng "Paradise Kiss" 'pag nababasa ko ito.
"Ketchup
"Roulette" ni Psykoket (Infinity) = ang masasabi ko lang eh kung napagbuhusan pa ito ng konti ng panahon, lalo pang gaganda ito... good work!
"Why Smoke" ni Joseph Arquiza (T-bag comics) at "I Am Lost In Salasco" ni Joel Ray Nicolas = sa totoo lang, kasama ng "Lost in Salasco" itong dalawang ito ang mabibigyan ko ng "pinaka-indie" na award dahil nakuha nila ang espiritu kung baga ng pagiging indie. Paalala lang sa mga magababas nito: Panatilihing buksan ang isispan kung babasahin ang mga indies na ito...
"Paperclip comics" nila Henry Anima, Ruel Sarmiento et al = Parehong interesante ang mga kwentong "Mutya and the book of answers" at "
At Ngayon naman parasa mga "Established"
"Pinoy Passenger" ni JRLD Dorado (Warchild) = Ano pa bang iniexpect nyo kay JRLD??? Nominated nga , 0% naman! (Peace tayo, bro) Pero eto lang ang hirit ko sa "Tsuperman": "SUPERHERO CRAZINESS"
"Yew Stupid Basturd" ni Ed Tadeo (Tea in a Loo) = Ano ba ito? MInsan iniisip ko 'eto talaga ang buhay ni Ed (Peace din tao, hehehe)...pero ang talagang panalo dito ay yung Wasted spoof at Kenneth.
"TRESE" nila Budjette Tan at Ka-jo Badolisimo (Alaamat) = Napaka-mushy at napaka-sweet ng indie na ito....huh? Ay! TRESE pala! S*** nakakatakot! Ayoko nang humirit baka makursunada ako ni Alexandra...
"Ultracops" nila Ian Sta Maria, Bow Guerrero at Budjette Tan (Alamat) = kagaya ng sa TRESE, eto na ang mga indie na masasabi kong hudyat ng pagbabalik ng ALAMAT...interesante ang Spin-off na ito dahil sa koneksyon nito sa "Batch 72" at sa "ALAMAT-verse" (NAks!) Galing!
"MAskarado 0-7" ni
"Kiko Machine Vol1 & 2"= Title pa lang (mga tagpong mukhang ewan at kung ano-ano pang kababalaghan) sino nang hindi matatawa? Ang sinuman na hindi natatawa sa Kiko Machine e dapat pinapadalasa Pluto mag-isa...
"Filipino Komiks" (Rising Star) = kuhang kuha ng komiks na ito ang pagiging isang tunay na "komiks" at mairerekomenda ko ito sa mga nakaabot ng Aliwan, United, Espesyal at iba pang mga komiks nung nagdaang panahon... Asteg!
"Kubori Krash" (Point Zero) = pano pinagdiwang ng point zero ang ika-sampung anibersaryo nila? gumawa sila ng isang indie na nagbibigay pugay sa "Phils. Premier Comics Magazine" (alam na kung ano yun!). Panalo!
"Tritech #0" (Nautilus) = wow! sulit! actually LIBRE! Pero bukod dun ay magaling ang pagkakagawa sa isang con at maswerte ang mga taong nakaabot nito sa KOMIKON!
“Buhay ang Baston” ng Kali Productions = hanga ako sa mga gumawa ng komiks na ito dahil hindi lang nila ginawa ang lahat sa loob ng 24-oras kung hindi naipakita nila ang “flavor” ng isang komiks tungkol sa kali/arnis.
Elmer ni Gerry Alanguilan (Komikero Publishing) = nagrereserba ako ng hiwalay na review para sa Elmer, pero ang masasabi ko lang ay isa na naman itong “worthy” na installment sa Elmer series.
Whew! Ang haba nitong post na ‘to!, Pero ayus naman sulit! Sa sussunod!
11 comments:
Magandang idea ito... gagawa din ako. :D
Na-dispatsa ko na rin yung mga kopya ko ng Buhay ang Baston! :D
hahaha! gawa ka lagi indie reviews ha? aabangan ko yan!
Sure! Glad everybody liked it!!!
DArk Greetings!
Salamat sa review! at paumanhin kung ito'y hindi pa akma sa mga nakakabasa at kami kami lang sa ngayun ang nakakagets. but it has it's own twist in the end. basta i hope you have the patience to wait for the two succeeding issues. >:D Maraming SALAMAT!
Aba... antayin ko ang reviews mo sa gawa ko! hahaha
Salamat sa review mo sa aming komiks. Hayaan mo't pagbubutihan pa namin ang aming gawa sa mga susunod na isyu.
Kung medyo nabitin ka sa mga kwento, basahin mo ang mga continuation ng kwento ng Me and My Ghost Friend Musashi sa dito .
Di ko na-upload ang third issue namin. Balitaan ka na lang namin.
Salamat uli!
salamat sa review raipo.:) Bibitinin ka pa namin hahaha. :D
Ay syanga tobie pasensya! ang haba kasi ng DILIMAN hayaan mo kasi ibang kategorya sya eh...
Hi Kuya Rai!
Maraming salamat po sa indie reviews mo.^^
yay! thank you rin po, at nagustuhan mo ang "Talikala" namin. ^_^
Ser, Ako po din yung gumawa ng Why Smoke.Natanga nga po ako eh, nawala sa lahat pa ng nakalimutan kong ilagay eh yun pang pangalan ko. hahah! E2 po link sa blog ko. hehe http://monkeyvssquirrel.blogspot.com/
Salamat po sa Review. Pede po bang ilagay ko yan sa cover next issue?
Post a Comment