Friday, December 08, 2006

Been on a low

Pasensya mga tagabasa, medyo malungkot ang sinapit ng inyong lingkod...


Nitong nakaraang buwan, maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ko:

Una, namatay ang katrabaho kong si Sir Joel dahil sa leukemia nung October 31. "red ranger " ang tawag namin sa kanya dahil siya ang "pinuno" ng aming "hiking society". Napakabait niyang tao, at sa pagkaka-alala ko siya ang unag bumati sa akin sa trabaho.

Pangalawa, isang HS freshman ang namatay sa school namin dahil sa atake sa puso...habang kumakain siya sa canteen at kausap ang mga kaibigan nya. Namatay siya 2 linggo mtapos ilibing si Sir Joel....

Pangatlo, kahapon lang namatayan ng tatay ang isa kong estudyante...

sadyang kaysaklap ng buhay...pasensya...

No comments: